Mga dating miyembro ng rebeldeng grupo sa Calabarzon, na nagbalik-loob sa pamahalaan, nakatanggap ng Financial and Livelihood Assistance package sa pamamagitan ng E-CLIP program ng DILG.
Nakatanggap ng Financial and Livelihood assistance Package ang limang dating miyembro ng rebeldeng grupo sa bansa.
Pinangunahan ni PNP region 4a Director Police Brigadier General Felipe R Natividad, kasma ang ilang mga opisyal ang pagbibigay ng tig P15,000.00 at livelihood assistance na worth P50,000.00.
Bukod sa mga financial at livelihood assistance ay nakatanggap din sila ng mga family food packs at health cards.
Libre din nilang ma-aavail ang pagpapacheck-up sa kahit alinmang government hospital para sa kanilang pamilya sa Laguna.
Ayon kay PNP region 4a Director Police Brigadier General Felipe R Natividad, ang tulong aniya na mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP ay naglalayong magbigay ng tulong at oportunidad sa mga miyembro ng rebeldeng grupo na nagbabalik loob sa pamahalaan para makapagsimulang muli ng kanilang panibagong buhay sa kabila ng kanilang mga pinagdaanan.
Ayon pa sa opisyal, mayroon aniyang gobyerno na handang tumulong sa mga nagnanais magbagong buhay at magbalik-loob sa pamahalaan.