Mga dating opisyal ng SRA nagisa sa pagdinig ng Senado
Dinikdik ng mga Senador ang mga dating opisyal ng Sugar Regulatory Administration.
Ito’y matapos aminin sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ni dating Agriculture USEC Leocadio Sebastian na pinirmahan niya ang sugar order no 4 para sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
Inakala niya raw na okay na ito sa Pangulo na hindi kinagat ng mga Senador.
Ayon kay Senador Ronald dela Rosa sa militar at pulisya maraming namamatay sa maling akala.
Kwestyon naman ni Senador Jinggoy Estrada bakit hindi nakipag-usap si Sebastian gayong nagpupunta naman ang Pangulo sa kanila bukod pa sa regular na cabinet meeting.
Sagot ni Sebastian na pressure lang daw siya dahil sa kanilang monitoring, kakapusin ng suplay at kapag nangyari ito maaring tumaas ang presyo.
Kumbinsido naman si Senate president Juan Miguel Zubiri na may mga kasabwat si Sebastian.
Nakapagtataka aniya bakit inaprubahan ang importasyon ng asukal gayong sobra sobra ang suplay batay sa mismong datos ng SRA.
Ipinakita pa nito ang libo libong sako ng mga asukal na nakaimbak sa mga warehouse matapos ang ginawang raid ng mga taga customs.
Bukod dito may hindi pa dumadarating na inimport noong Hulyo na 26,000 metric tons.
Nagisa rin si dating SRA Administrator Hermenegildo Serafica na umaming siya ang nag draft ng sugar order no 4.
Nasermunan si Serafica bakit pinangunahan ang desisyon ng Pangulo.
Punto naman ni Senador Alan Peter Cayetano masamang precedent na may pumipirma para sa pangalan ng Pangulo .
Pero itinuro nito si Sebastian na umanoy nagbigay ng go signal para sugar order no 4.
Kinonsulta rin daw nila ang limang stakeholders tulad ng National Federation of sugarcane planters.
Pinaniwala sila ng SRA na si Pangulong Bongbong Marcos ang nag- utos ng importasyon na sariling desisyon lang pala ng SRA.
Sinabi ni Zubiri malinaw na may anomalya matapos madiskbre na pinaspasan ang importation plan ng SRA board na umabot lang ng apat na araw na halatang minadali ng plano na ginawa sa panahon ng anihan.
Meanne Corvera