Mga dating pinuno ng Haiti, pinatawan ng sanctions ng Canada
Inihayag ng Canada, na papatawan nito ng sanctions ang dating pangulo ng Haiti na si Michel Martelly at dalawang dating punong ministro, na inakusahang kumita mula sa armed gangs, at nag-anunsiyo ng bagong aid package para sa bansa.
Sa isang conference sa Tunisia ay sinabi ni Canadian Foreign Minister Melanie Joly, “The men in question ‘directly benefit’ from the work of the gangs and are associated with a system of corruption.”
Target ng sanctions, na nangangahulugan na mapi-freeze ang anumang asset na mayroon sila sa Canada, sina dating Haitian premiers Laurent Lamothe at Jean Henry Ceant at maging si Martelly.
Nagpataw din ang Canada ng kaparehong sanctions sa mga unang bahagi ng Nobyembre, sa iba pang matataas na opisyal kaugnay ng umano’y kaugnayan ng mga ito sa organized crime.
Samantala, inanunsiyo ng Ottawa ang tulong na nagkakahalaga ng 16.5 million Canadian dollars ($12.3 million), upang tulungan ang bansa na labanan ang korapsiyon at ang cholera outbreak.
Sinabi ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, “The aid is ‘necessary’ to provide water, food and health assistance to fight cholera.”
Ang Haiti, ang pinakamahirap na bansa sa Hilagang Amerika, ay nalugmok sa loob ng maraming taon sa isang krisis sa ekonomiya, seguridad at pampulitika na pinalala pa ng pagpaslang kay Pangulong Jovenel Moise noong nakaraang taon at ng lumalagong impluwensya ng mga gang.
Mahigit naman sa 10,000 katao ang namatay dahil sa isang cholera outbreak.
© Agence France-Presse