Mga dating rebelde sa Tarlac na sumuko, binigyan ng financial assistance
Sa ilalim ng programang Enhance Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), nakatanggap ng financial assistance ang mga dating rebelde na sumuko sa pamahalaan.
Pinangunahan ni Tarlac Governor Susan Yap ang pagkakaloob ng financial assistance sa mga nasabing grupo.
Katuwang ni Gov. Yap sina Camiling Mayor Erlon Agustin, Vice Governor Carlito CASADA David, Pol. Lt. Col. Renante Cabico na Acting Provincial Director, at ang head ng Provincial Social Welfare and Develoment (PSWD).
Nagpasalamat naman ang mga sumukong rebelde sa tinanggap na tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac.
Anila, hindi nila pinagsisihan ang ginawang pagbaba sa bundok upang sumuko sa gobyerno.
Dagdag pa ng mga ito, ngayon lamang nila natamo ang kapayapaan sa kanilang buhay at tahimik na pamumuhay at nakakapiling pa nila ang kanilang pamilya.
Hinikayat din nila ang mga dati nilang kasamahan na sumuko na rin sa pamahalaan.
Ulat ni Rizza Castro