Mga dawit sa Pastillas Scheme nakapagbulsa umano ng 30 hanggang 40 billion pesos
Ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros na aabot sa 30 hanggang 40 bilyong piso ang naibulsa ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration dahil sa pastillas scheme sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Sa pagdinig ng Senado, sinabi ng senador na ito’y kung titingnan ang datos ng mga Chinese national na pumasok sa bansa sa pamamagitan ng visa upon arrival o VUA.
Sa VUA transaction lamang aniya ang raket o lagay ay direktang ibinibigay sa immigration officer kung saan inaaprubahan ang visa at doon rin nangyayari ang hatian.
Nauna nang inilunsad ang VUA program para makahikayat umano ng mas maraming turista.
Sa ilalim ng programa, ang mga turista maaring mamalagi sa bansa sa loob ng 30 days nang hindi na kakailaning mag-aplay pa ng entry visa bago magtungo sa pilipinas.
Meanne Corvera