Mga dayuhan itinataboy na ng Canada
Isinasara na ng Canada ang mga pinto nito sa mas maraming bisita at temporary residents sa pamamagitan ng pag-apruba ng mas kaunting visa at pagtataboy sa mas maraming tao na nakarating sa kanilang borders na may opisyal na mga dokumento.
Nangyari ito dahil napag-iiwanan sa mga survey bago ang isang eleksiyon na inaasahan sa susunod na taon, ang liberal government ni Prime Minister Justin Trudeau, na sinusubukang pababain ang bilang ng temporary residents at kung posible ay maging ng permanent immigrants.
Canada’s Prime Minister Justin Trudeau speaks to the media during an announcement at the Goodyear Canada Inc tire production plant in Napanee, Ontario, Canada August 12, 2024. REUTERS/Cole Burston/File Photo
Ang mga migrante kasi ang sinisisi sa kakulangan at mataas na halaga ng mga pabahay.
Ipinagmamalaki ng mga Canadian ang kanilang sarili sa pagtanggap sa mga bagong dating, ngunit ipinapakita ng mga survey ang dumaraming bilang na nagsasabing “napakaraming migrante” ang tinatanggap ng Canada, at ito rin ang napapansin maging ng border at immigration officers.
Noong Hulyo, tinanggihan ng Canada ang pagpasok ng 5,853 dayuhang manlalakbay, na kinabibilangan ng mga estudyante, manggagawa at turista, ang pinakamarami mula noong Enero 2019, ayon sa border agency data na hindi pa naunang iniulat.
Tinanggihan naman ng border officers ang average na 3,727 dayuhang manlalakbay bawat buwan hanggang sa unang pitong buwan ng 2024, isang pagtaas ng 633 katao o 20% mula noong nakaraang taon.
Bukod dito, itinuring ng mga opisyal na hindi puwedeng tanggapn ang 285 visa-holders noong Hulyo, ang pinakamarami sa anumang buwan mula noong Enero 2019, ayon sa data.
Kasabay nito, ay mas kakaunting visa na rin ang inaaprubahan ng Canada.
Ang ratio ng mga tinanggihang aplikasyon ng visitor visa sa mga naaprubahan ay mas mataas noong Hunyo kaysa sa anumang panahon mula noong kasagsagan ng pandemya.
Noong Enero, Pebrero, Mayo at Hunyo 2024, mas maraming aplikasyon ang tinanggihan kaysa naaprubahan, ayon sa data ng departamento ng imigrasyon.
Ayon sa tagapagsalita ng dating White House adviser at white nationalist na si Stephen Miller, “The immigration department was ‘committed to a fair and non-discriminatory application of immigration policy and procedures’ and the drop in study-permit approvals is due to a cap announced in January. However, the decline appears to have begun last year.’