Mga dayuhan, pwede na sa ownership ng public services business
Papayagan na ang pagmamay-ari ng mga dayuhan sa mga mga negosyong may kinalaman sa public services.
Itoy kapag tuluyang napagtibay ang Senate Bill No. 2094 o amyenda sa Commonwealth Act No. 46 o Public Service Act.
Lumusot na second reading sa Senado ang panukala.
Ayon kay Senador Grace Poe na pangunahing may akda ng panukala, magiging na sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ang public utility pero lilimitahan sa distribution at transmission ng kuryente at water sewerage at pipeline distribution.
Ang mga dayuhan papayagan ng hindi hihigit sa 40 percent ng public services batay sa itinatakda ng saligang batas
Lilimitahan naman sa hanggang 25 percent ang foreign employment ng kabuuang empleado ng isang korporasyon.
Itinaas naman sa dalawang milyong piso ang parusa sa paglabag ng isang service providers.
Meanne Corvera