Mga dayuhang fully vaccinated na, papayagang makapasok sa bansa simula sa Pebrero 16
Papayagan na ng Pilipinas na makapasok ang mga dayuhang fully vaccinated na simula sa Pebrero 16, ayon sa Malacañang.
Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, na ang bagong guidelines na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ay mag-aatas sa mga dayuhan na magpakita ng pruweba na sila ay ganap nang bakunado laban sa Covid-19, at sumailalim sa dagdag na protocols.
Aniya . . . “Beginning February 16, 2022, proof of full vaccination shall be made a requirement for entry of all foreign nationals allowed to enter the Philippines.”
Exempted naman sa nabanggit na requirement ang mga sumusunod:
- mga batang wala pang 18 taong gulang
- mga taong hindi maaaring bakunahan, na may sertipikaayon mula sa isang mapagkakatiwalaang public health authority sa Pilipinas o sa bansang pinanggalingan
- foreign diplomats at kanilang qualified dependents o 9(e) visa holders
Ayon kay Nograles, ang Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Civil Aeronautics Board, ay inatasang utusan ang airlines na hingin sa mga dayuhang bibisita sa Pilipinas na magpakita ng proof of full vaccination bago sumakay sa flights na patungo sa alinmang lugar sa Pilipinas.
Ang Bureau of Quarantine, DOTr-One-Stop-Shop, at Bureau of Immigration ay inatasan na rin na ang tanggapin lamang ay ang proof of vaccination na aprubado ng IATF.