Mga dayuhang inabot ng expiration ng visa dahil sa nakanselang flight binigyan ng grace period ng Bureau of Immigration
Bibigyan ng grace period ng Bureau of Immigration ang mga dayuhang naapektuhan ng flight cancellations nitong Bagong Taon at inabot na ng expiration ng kanilang visa.
Sa abiso ng BI, lahat ng foreign nationals na ang flight ay nakansela o na-delay matapos magkaroon ng technical glitch ang Air Traffic Management Center ng Civil Aviation Authority of the Philippine at bibigyan ng grace period ang validity ng kanilang authorized stay at kanilang Emigration Clearance Certificate hanggang Enero 12.
Ito ay para makapagrebook sila ng walang dagdag na immigration penalty.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco inilabas nila ang abiso para hindi magkaroon ng kalituhan at pangamba ang mga dayuhan na ma-overstay sila sa bansa.
Kailangan lang umano nilang makapagprisinta ng confirmed ticket na nagpapakitang nakansela ang kanilang flight mula Enero 1 onwards o pwede rin namang ang kanilang boarding pass.
Madelyn Villar –Moratillo