Mga Dentista at Medical technologist, ipinasasama sa mga magtuturok ng bakuna
Isinusulong ni Senador Nancy Binay na ibilang ang mga rehistradong dentista at medical technologist sa mga pwedeng magbakuna kontra COVID-19.
Naghain si Binay ng Senate bill number 2212 para maamyendahan ang Republic act 11525 o COVID-19 vaccination program act of 2021.
Sa batas, ang mga Pharmacist at Midwife lang ang mga pinapayagang makatulong ng mga doktor at nurse sa COVID vaccination.
Ayon kay Binay , kailangan ngayong maragdagan ang mga healthcare professionals na tagapagbakuna para mapabilis ang vaccination rollout sa buong bansa.
Itoy para hindi abutan ng expiration ang mga bakuna at maabot ang target na herd immunity.
Bago ito, iminungkahi ni Senador Richard Gordon na ikunsidera rin na gawing vaccinator ang mga high school graduate at college graduate.
Maaari naman aniyang bigyan ang mga ito ng training at magbakuna sa ilalim ng supervision ng mga medical personnel.
Meanne Corvera