Mga Diabetics, mahalagang alamin ang nagagawa ng insulin sa kanilang katawan – ayon sa eksperto

 

Malaking banta pa rin sa kalusugan ang diabetes.

Ayon sa pag aaral ng mga eksperto, pinangangambahang mas dodoble pa  ang bilang nito pagsapit ng taong 2040.

Tinatawag na “silent killer” ang diabetes dahil hindi agad makikita o mararamdaman ang mga sintomas ng sakit sa simula, hanggang sa magkaroon na ng komplikasyon.

Samantala, isang medikasyon sa mga diabetics ang insulin.

Sinasabi ng mga eksperto na  mahalaga ang insulin, subalit, maaari rin itong maging mapanganib sapagkat maaari nitong lubos na mapababa ang antas ng asukal sa dugo (Hypoglycemia). kung labis ang iyong insulin sa katawan.

Dagdag pa ni Master Uy, mas okay daw na kumain ng kanin kaysa tinapay.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *