Mga direktor, ‘nagulat’ sa pagkakasibak sa ‘Batgirl’ film

(FILES) In this file photo taken on June 2, 2022 directors Adil El Arbi (L) and Bilall Fallah attend the launch of Marvel studio original series “Ms Marvel” at the El Capitan Theatre in Hollywood, California. – The directors of “Batgirl” said on August 3, 2022 that they were “shocked” that the $90 million dollar superhero film had been axed by the studio and will now not be released in any format. (Photo by VALERIE MACON / AFP)

Ikinagulat ng mga direktor ng “Batgirl” na ang $90 million superhero film ay kakanselahin na ng studio at ngayon ay hindi na ito mapanonood sa alinmang format.

Inanunsiyo ng Warner Bros. Discovery na kakanselahin na nila ang movie adaptation ng nasabing DC Comics character, na pagbibidahan ni Leslie Grace, kasama ni Michael Keaton bilang Batman, kaya’t hindi na ito maaaring mapanood sa sinehan man o sa streaming platform na HBO Max.

Ayon sa mga direktor ng “Batgirl” na sina Adil El Arbi at Bilall Fallah . . . “We are saddened and shocked by the news. We still can’t believe it. As directors, it is critical that our work be shown to audiences, and while the film was far from finished, we wish that fans all over the world would have had the opportunity to see and embrace the final film themselves.”

Nakumpleto na ng pelikula ang principal photography at malaking bahagi ng post-production work — kung saan nagdagdag na ng special effects, sound at graphics ay tapos na rin.

Sa isang panayam naman ay sinabi ni Grace . . . “I was excited to have landed the role, and thrilled to be working with Keaton and other luminaries.”

Pinuri naman ni El Arbi at Fallah ang trabaho ni Grace, at inilarawan ang kanilang sarili na “huge fans ni Batman mula pagkabata.”

Ayon sa directing duo . . . “It was a dream to work with such fantastic actors like Michael Keaton, J.K. Simmons, Brendan Fraser… and especially the great Leslie Grace, who portrayed Batgirl with so much passion, dedication and humanity.”

Ang hakbang ay ikinabigla ng Hollywood, kung saan sinabi ng mga beterano ng industriya na hindi pa nangyaring hindi ipalabas ang isang pelikulang halos matatapos na at ginastusan na ng malaki.

Lumilitaw na ang “Batgirl” ay naging biktima ng pagbabago sa “corporate strategy” makaraang magsanib o magkaroon ng “merger” sa pagitan ng Warner Bros. at Discovery.

Ang Warner Bros. ay nakatuon sa paggawa ng mga pelikula na didiretso agad sa HBO Max, bilang bahagi ng pagsisikap nitong palakasin o paramihin ang subscribers sa streaming sector.

Ang ginawang desisyon na bahagyang may kaugnayan sa pag-bypass sa mga sinehan na naapektuhan ng COVID-19 noong 2021, ay hindi naging popular sa “creatives” at tila binawi rin matapos ang tie-up sa Discovery.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: