Mga doktor sa India nagwelga upang i-protesta ang panggagahasa at pagpatay sa isang medic
Itinaboy ng mga ospital sa India ang mga pasyente maliban para sa emergency cases, dahil sinimulan na ngayong Sabado ng medical professionals ang kanilang 24-hour shutdown bilang protesta laban sa brutal na panghahalay at pagpatay sa isang doktor sa eastern city ng Kolkata.
Mahigit sa isang milyong mga doktor ang inaasahang lalahok sa welga, na magsasa-paralisa sa medical services sa magkabilang panig ng pinakamataong bansa sa buong mundo.
Ayon sa mga ospital, gagamitin na ang faculty staff mula sa medical colleges para sa emergency cases.
Dahil sa welga na nagsimula ng ala-6:00 ng umaga, wala nang nag-duty para sa elective medical procedures at out-patient consultations, batay sa pahayag ng Indian Medical Association (IMA).
Isang 31-anyos na trainee doctor ang ginahasa at pinatay noong nakaraang linggo sa loob ng medical college sa Kolkata kung saan siya nagtatrabaho, na nag-udyok sa mga protesta ng mga manggagamot sa buong bansa.
Ang pangyayari ay nakakahawig ng isang “notorious gang rape and murder” ng isang 23-anyos na estudyante sa loob ng isang umaandar na bus sa New Delhi noong 2012.
Ngayong Sabado, sa labas ng RG Kar Medical College, kung saan naganap ang krimen, ay makikita ang presensiya ng maraming mga pulis, habang wala namang tao ang mga ospital.
Si Mamata Banerjee, ang punong ministro ng West Bengal, na kinabibilangan ng Kolkata, ay sumuporta sa mga protesta sa buong estado, na hinihiling na ang pagsisiyasat ay mabilis na masubaybayan at ang nagkasala ay parusahan sa pinakamahigpit na posibleng paraan.
Namalagi namang sarado ngayong Sabado ang maraming bilang ng mga pribadong klinika at diagnostics centers sa Kolkata.
Sinabi ng isang private pediatrician sa Kolkata na si Dr. Sandip Saha, na hindi siya tatanggap ng pasyente maliban kung emergency.
Ang mga ospital at klinika sa Lucknow sa Uttar Pradesh, Ahmedabad sa Gujarat, Guwahati sa Assam at Chennai sa Tamil Nadu at iba pang mga lungsod ay sumali rin sa welga, na nakatakdang maging isa sa pinakamalaking pagsasara ng mga serbisyo ng ospital.
Sa estado ng Odisha ay sinabi ni Dr. Prabhas Ranjan Tripathy, additional medical superintendent ng All India Institute of Medical Sciences sa lungsod ng Bhunaneswar, “Patients were queuing up and senior doctors were trying to manage the rush. Resident doctors are on full strike, and because of that, the pressure is mounting on all faculty members, which means senior doctors.”
Ayon sa isang police source sa Kolkata, ipinatawag ng Central Bureau of Investigation (CBI) ng India, ang ahensiyang nag-iimbestiga sa panghahalay at pagpatay, ang ilang bilang ng medical students mula sa RG Kar college upang alamin ang mga sirkumstansiya sa krimen.
A man speaks to a guard at the entrance of a hospital in Mumbai, inquiring if it is operational after a nationwide strike was declared by the Indian Medical Association to protest the rape and murder of a trainee medic at a government-run hospital in Kolkata, India, August 17, 2024. REUTERS/Francis Mascarenhas
Kinuwestyon din ng CBI ang principal ng ospital nitong Biyernes, ayon sa source.
Sinimulang ipatupad ng gobyerno ng India ang mabilisang pagbabago sa kanilang criminal justice system, kabilang ang mas mahihigpit na sentensiya, matapos ang insidente ng Delhi gang-rape, ngunit ayon sa mga campaigner, napakaliit lamang ng mga pagbabago.
Ang galit sa kabiguan ng pagkakaroon ng mas mahihigpit na mga batas upang mapigilan ang tumataas na insidente ng karahasan laban s amga babae, ang nag-udyok sa protesta ng mga doktor at grupo ng mga kababaihan.
Sinabi ni IMA President R.V. Asokan, “Women form the majority of our profession in this country. Time and again, we have asked for safety for them.”
Ang IMA ay nananawagan ng karagdagang legal na mga hakbang upang mas maprotektahan pa ang healthcare workers laban sa mga karahasan at mabilis na pag-iimbestiga sa “barbarikong” krimen sa Kolkata.
Ayon sa senior criminal lawyer na si Shobha Gupta na kumatawan sa isang babaeng Muslim na naging biktima ng gang-rape sa Gujarat noong 2002, “Punishment certainly is needed (and it) has to be a very harsher punishment, but at that same time the execution, the final culmination of the punishment should take place. And that is not happening.”