Mga dokumento mula sa Dept. of National Defense kaugnay ng application para sa amnestiya, inilabas ni Sen. Trillanes
Taliwas sa pahayag ng Department of National Defense na nawawla ang records, inilabas ngayon ni Senador Antonio Trillanes ang mga dokumento na magpapatunay na nag-aplay at umamin sya na guilty sa mga kasong rebelyon at kudeta.
Kasama sa inilabas ni Trillanes ang apat na pahinang sulat ni dating Defense secretary Voltaire Gazmin kay dating Pangulong Benigno Aquino kung san kinumpirma nitong nakapasa rules and procedures at masring gawaran ng amnestiya si Trillanes at 39 na opisyal at tauhan ng militar na lumahok sa Oakwood mutiny at Marine stand off.
Sa kaniyang rekomendasyon sinabi ni Gazmin na sumailalim sa pagsusuri ng DND Ad Hoc Amnesty Committee ang mga sundalo at wala namang naghain ng oposisyon laban sa kanila.
Nakapaloob sa dokumento ang inaprubahang resolution no2 ng DND Ad Hoc Committee noong January 2011 na pirmado ng limang opisyal ng militar kabilang na sina Gazmin, ang chairman ng Ad Hoc na si DND Usec Honorio Azcueta at miyembro na si Brig General Honorato Delos Reyes.
Ang mga dokumento raw ay ibinigay sa kaniya ng mga kaibigan sa militar na nababahala sa paggamit ng malacnang sa militar para manggipit.
Ulat ni Meanne Corvera