Mga dumagsa sa vaccination site sa Maynila galing sa mga probinsya sa Calabarzon
Karamihan umano ng dumagsa sa mga vaccination site sa Maynila ngayong araw ay mula sa mga kalapit lalawigang Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.
Ayon sa Manila PIO, batay na rin ito sa ginawang imbestigasyon matapos magkagulo sa mga vaccination site dahil sa pagdagsa ng mga nais magpabakuna.
Grupo grupo umano dumating ang mga ito at karamihan sakay ng mga van.
Natatakot anila ang mga ito dahil sa kumalat na balita na hindi papayagang makalabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ang naging problema dahil dayo ay hindi alam ng karamihan sa mga ito na kailangan magpakita ng QR code sa vaccination site.
Ang crowd estimate kanina, sa SM San Lazaro vaccination site ay 7 hanggang 10 libo, sa SM Manila naman ay mahigit 5 libo, sa Lucky Chinatown Mall ay mahigit 3 libo at mahigit 4 na libo naman sa Robinsons Manila.
Gayong ang regular na crowd estimate lang sa mga vaccination site sa lungsod ay mula 1 hanggang mahigit 2 libo.
Sa SM San Lazaro site sinuspinde ang bakunahan ngayong araw matapos magkagulo.
Sa araw na ito, 2,500 doses ng bakuna lang ang nakalaan sa bawat vaccination site.
Madz Moratillo