Mga dumalo sa  Dinner party , kinunan ng blood samples bago kumain

 

 

Ang dinner party na tinatawag na “optimization parties,” ay nagsisimula nang maging popular sa mga taong nasa edad 35-50 na nais na mag-pokus sa kanilang kalusugan.

Una itong ginawa sa London kung saan ang isang package ay nagkakahalaga ng 250 pounds o 337-dollars bawat tao, at ang party ay binubuo ng maximum of eight guests.

Gaya ng karaniwang dinner parties, magtitipon sila sa bahay ng hosts , subalit hindi sila pwedeng kumain o uminom kaagad dahil kukunan muna sila ng blood samples ng isang Professional Phlebotomist.

Pagkatapos ay puwede na nilang i-enjoy ang 3-course meal na inihanda ng London-based nutritional scientist at cordon bleu chef na si Toral Shah, na sasabayan ng lecture about nutrition, personal health, at nutritional breakdown ng mga pagkaing kanilang kinakain.

Kasunod nito ay ang question and answer session tungkol sa kanilang  lifestyle, fitness routine, eating habits, general health, at iba pa.

Dahil may katagalan ang proseso, hindi agad makukuha ng mga guests ang resulta ng kanilang blood tests, subali’t sa sandaling maging available na ito, ay ipadadala ito sa mga guests at kay toral shah, na magbibigay naman ng 30-minutong telephone consultations sa bawat isa sa mga naging guests ng party, para magbigay ng komento sa resulta ng kanilang blood tests at mag-alok na rin ng personalized lifestyle advice.

 

==============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *