Mga E-gates na itinalaga sa mga paliparan, malaki ang naitutulong sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season – BI

Para makaagapay sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong holiday season, nagdagdag ng mga Electronic gates o E-gates ang Bureau of Immigration (BI) sa mga paliparan sa bansa.

Ayon kay BI Chief of the Port operations division Grifton Medina, sa bagong sistemang ito, hindi na kailangang dumaan o pumila ng isang pasahero sa Immigration counter sa halip ay i-scan na lamang ang kanilang mga boarding pass o pasaporte.

Maghihintay na lamang ng 10 to 15 seconds ay makakalagpas na sila sa Immigration counter.

Tig-limang e-gates aniya ang itinalaga sa NAIA Terminal 3 at 1, tatlong e-gates naman sa Terminal 2, tig-tatlo naman sa Clark at Cebu International Airport at 2 naman sa Davao International airport.

Nilinaw naman ni Medina na Filipino citizen lamang ang maaaring makagamit ng e-gates.

Ngayong taon, sinabi ni Medina na nag-triple ang bilang ng mga arrival o mga dumarating sa bansa partikular ang mga balikbayang OFW.

Malaki ang tulong ng mga E-gates kasi sampung segundo lang ang itatagal ng proseso. So in 5 minutes, nakaka-25 to 30 siya na pasahero…in 20 minutes umaabot na siya ng halos 500 pasahero”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *