Mga e-trikes, pwede na ulit bumiyahe sa Maynila
Binawi na ni Manila Mayor Isko Moreno ang inilabas na memorandum na nagbabawal sa electric tricyle o e-trike na bumiyahe sa lungsod.
Kanina nakipagpulong si Moreno sa mga driver ng e-trike sa Maynila.
Ayon sa alkalde, nauunawaan nya ang pangangailangan ng mga ito lalo na at may pamilya rin silang sinusuportahan.
Mahigpit naman ang paalala ni Mayor Isko sa mga ito na huwag bibiyahe sa mga pangunahing kalsada sa maynila at maghanap buhay ng maayos ng hindi magpapasaway sa lansangan.
Nangako rin ang alkalde na isusulong nilang maibaba ang boundary ng mga e-trike driver sa 100 pesos mula sa dating 150 pesos.
Kaugnay nito sinabi naman ni Manila Vice-Mayor Honey Lacuna na bibigyang prangkisa ng City council ang mga e-trike operator.
Aayusin lang aniya nila ang klasipikasyon nito, ruta at maging dapat na pamasahe.
Ulat ni Madz Moratillo