Mga Elected o Appointed government officials sa tatangging sumunod sa suspension order pinapapatawan pa ng dagdag na parusa ng mga senador

Dapat patawan pa ng dagdag na parusa ang sinumang elected o appointed official na tatangging sumunod sa isang legal suspension o removel order sa lahat ng tanggapan ng gobyerno

Yan ang iginiit ng mga senador sa isyu ng pagtanggi ni Bonifacio Misamis Occidental mayor Samson Dumanjug at ng misis nito na tumalima sa suspension order ng sangguniang panlalawigan dahil sa isyu ng korapsyon

Ang isyu ng umanoy pwersahang pagtatanggal sa mag-asawang Dumajug sa pwesto ay ini-imbestigahan ng committee on public order ng senado.

Ayon kay senador Francis Escudero, wala sanang nangyaring karahasan kung sumunod lang ang alkalde sa legal order at hindi na tumangging bakantehin ang kanyang pwesto

Giit ng senador may batayan ang pagpapataw ng suspensyon sa alkalde at kaniyang asawa dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.

Para kay Escudero, hindi sana ito nagmatigas at nagkampo sa kaniyang opisina sa City Hall para hindi na lumikha ng kaguluhan

Para kay senador Ronald bato Dela Rosa, hindi rule of law kundi rule of man ang pinairal sa bayan ng bonifacio kaya napilitan na ang mga pulis doon na pwersahan alisin ang mag asawang Dumanjug sa pwesto

Naniniwala naman ang senador na mahalaga ang naging papel ng DILG at pamunuan ng PNP sa pagresolba at pagpapatupad ng suspension order laban sa Alkalde at Bise Alkalde ng lalawigan

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *