Mga Embassy officials at personnel, pinag-iingat ng Malakanyang sa paga-upload ng mga sensitibong video sa Social Media
Dahil sa nangyaring gusot ng Pilipinas at Kuwait sa ginawang rescue operations ng mga embassy officials sa mga distress OFWS sa Kuwait, sinabihan ng Malakanyang ang mga Embassy officials at personnel na mag-ingat sa pag-uupload ng mga sensitibong video sa social media.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque lumala ang problema ng ma-upload ang video ng rescue operations ng mga embassy officials sa mga distressed OFWS.
Dahil sa uploading ng video ng rescue operations nakarating ito sa kaalaman ng Kuwaiti government kaya sila naghain ng diplomatic protest dahil sa paniniwalang nilabag ng Pilipinas ang soberenya ng Kuwait.
Inihayag ni Roque na naipalawanag naman ni Pangulong Duterte ang insidente sa pakikipagpulong sa Kuwaiti ambassador sa Pilipinas at naiparating na sa Kuwaiti government ang panig ng Pilipinas.
Ulat ni Vic Somintac