Mga Emergency Bay sa mga lansangan na maaaring silungan ng mga motorista kapag umuulan ipinabubuhay sa MMDA
Nais ni senador JV Ejercito na buhayin ng Metro Manila Development Authority ang mga emergency bay sa mga kalsada na maaaring hintuan ng mga motorcycle rider kapag umuulan
Isa ito sa nakikitang solusyon ni Ejercito matapos umalma ang mga motorista dahil sa desisyon ng MMDA na hulihin at pagmultahin ang mga motorista na sumisilong sa mga foodbridge o underpass kapag naabutan ng ulan
Sinabi ng senador na nauunawaan nya ang desisyon ng MMDA dahil bukod sa destruction sa kalsada at abala sa daloy ng mga sasakyan, delikado ito at maaring magdulot ng aksidente
Pero bilang rider, naiintindihan nya ang mga ito na naghahanap ng masisilungan sa halip na sumugod at mabasa ng ulan.
Hindi rin aniya makatriwan ang isang libong pisong multa na masyadong malaki lalo na sa mga delivery riders
Dapat magkaroon muna aniya ng dayalogo at magpatupad ng malawakang education campaign na nagpapaalala sa mga rider ng tamang paghahanda sa kanilang byahe at dapat ibaba ang ipapataw na multa
Meanne Corvera