Mga empleyado na apektado ng pagkalugi ng Hanjin, pinabibigyan ng assistance sa DOLE
Hinimok ni Senador Joel Villanueva ang Department of Labor and Employment (DOLE) na bumuo ng inter-agency task force para tulungan may 23,000 mga mangagawa ng Hanjin na nawalan ng trabaho.
Kasunod ito ng pagdedeklara ng bankrupcy ng Hanjin Heavy Industries and Construction Philippine na nag-ooperate sa Zambales.
Iminungkahi ng Senador sa DOLE na magsagawa ng profiling at job matching para sa mga manggagawa para makahanap sila ng mga bagong mapapasukan.
Kailangan rin aniyang magpatupad ng mga bagong reporma ang gobyerno para makahikayat ng mga bagong investors at makalikha ng mas maraming trabaho.
Ulat ni Meanne Corvera