Mga empleyado ng Comelec tatanggap ng bonus bago ang eleksyon
May 1 buwang bonus na matatanggap ang mga empleyado ng Commission on Elections bago ang halalan sa Mayo 9.
Ayon kay Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, ang makakatanggap ng bonus ay lahat ng regular na empleyado ng poll body.
Kaugnay nito, sinabi ni Pangarungan na inaprubahan rin nila ang augmentation para sa transportation at communication expenses para sa mga election officers sa loob ng anim na buwan.
Sakop narin dito maging ang sa Barangay Elections na gagawin sa Disyembre.
Aprubado na rin aniya ang suspensiyon ng biometrics para makapagtrabaho ang kanilang field personnels na hindi na kailangan pang bumalik sa opisina.
Aprubado na rin aniya ‘in principle’ ang gun ban exemptions para sa election officers, provincial election supervisors at regional election directors.
Apila naman ng opisyal, sa mga tauhan ng Comelec na tiyakin ang tapat, maayos, credible at mapayapang halalan sa Mayo.
Madz Moratillo