Mga empleyado ng SC, sinimulan na ring bakunahan laban sa COVID-19
Inumpisahan na rin ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kawani ng Korte Suprema na kabilang sa A4 vaccine priority group.
Isinagawa ang anti-COVID vaccination sa SC Training Center sa Padre Faura, Maynila.
Wala pang ibinigay na bilang ang Supreme Court kung ilan ang empleyado nitong binakunahan ngayong Martes.
Ayon din sa Supreme Court Public Information Office, wala pang impormasyon kung kailan ang susunod na schedule ng vaccination ng SC employees.
Nakipag-ugnayan ang Korte Suprema sa National Task Force Against COVID-19, DOH, at Manila City LGU para sa pagbabakuna sa mga court workers.
Una nang inihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo na isa sa mga pangunahing tututukan niya sa kanyang panunungkulan ay ang pagbabakuna laban sa COVID sa judiciary employees.
Para kay Gesmundo, magiging fully operational lamang ang mga hukuman sa oras na makakumpleto na ng bakuna laban sa COVID ang lahat ng court personnel.
Fully vaccinated naman na ang lahat ng 14 na mahistrado ng Korte Suprema.
Moira Encina