Mga epekto sa kalusugan kapag nakakain ng isdang namatay sa Fish Kill

Kamakailan lang ay may naganap na fishkill sa  Obando, Bulacan  at tinatayang nasa 100 ektarya ng  palaisdaan doon ang naapektuhan ng nasabing Fish Kill.

Ayon kay Mr. Gregg Yan, Best Alternatives Campaign Founder, maraming dahilan kung bakit nagaganap ang Fish kill.

Kabilang dito ang kawalan  ng oxygen ng isda, hindi maganda ang kalidad ng tubig na epekto naman ng mga basurang itinapon sa dagat.

Dagdag pa ni Mr. Yan, hindi nakakatagal ang isda sa marumi o nabulok nang tubig.

Kaya naman,  payo ni Yan sa publiko, iwasan na bumili at kumain ng isda na biktima ng fish kill.

“Naku huwag na huwag po tayong kakain ng isdang galing ng fishkill sapagkat, tantamount yan sa pagkain ng double dead na karne,  ang bawat hayop kasi, punong puno ng bacteria  ang katawan,  actually kahit buhay ang mga hayop, marami yang bacteria sa katawan —pero, kung  patay na sila,  itong bacteriang ito ay dadami nang dami,  Pag kinain natin at medyo  makati sa lalamunan, huwag na nating kainin, huwag nang ipilit,  kahit i – prito  yan, huwag na – at kapag tuloy tuloy pa nating kinain yan,  magkakasakit tayo, baka hindi lang fish kill ang mangyari – baka ibang klaseng kill na.”-Mr. Gregg Yan, Best Alternatives Campaign Founder

Sa panig naman ng BFAR,  mas dapat anilang katakutan ng taumbayan ang makakain ng isdang bilasa dahil ito ay maaaring maging sanhi ng diarrhea, pagsusuka, pagsakit ng tiyan at iba pang sakit na maaaring ikamatay ng biktima.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *