Mga eskuwelahan sa Metro Manila handa na sa F2F classes sa Lunes
Handa na ang mga eskwelahan sa Metro manila para sa pilot testing ng face to face classes sa lunes .
Kinder hanggang grade 3 ang mga estudyanteng lalahok o mga batang nasa lima hanggang sampung taong gulang.
Sa St Mary’s elementary school sa nangka Marikina magiging mahigpit ang patakaran.
Pagpasok pa lang sa gate mag-scan sila ng QR code , tatanggalin ang suot na facemasks, maglalagay ng alcohol at kukuha ng bagong mask saka dadaan sa thermal scanner.
May mga arrow at footsteps na susundan hanggang papasok ng classroom kung dati ay 30 hanggang 40 sa bawat classroom ngayon labindalawang estudyante lang ang papayagan sa loob ng classroom at may nakadikit ng pangalan ng mga bata
Nakahanda na rin ang kanilang papel, lapis, krayola at iba pang learning materials.
May nakahanda ring isolation facility na may nakaduty na nurse sakaling may bata na makitaan ng anumang sintomas ng virus.
Meanne Corvera