Mga establisyimentong nagtatapon ng basura sa Manila Bay binantaang ipasasara ni Pangulong Duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina DILG Secretary Eduardo Año at DENR Secretary Roy Cimatu na simulan na ang paglilinis sa Manila Bay sa lalong madaling panahon.
Sinabi ng pangulo na sa ayaw at sa gusto ng mga opisyal ng gobyerno at ng publiko, kailangan nang isailalim sa rehabilitasyon ang Manila Bay.
Kasabay nito ay binalaan ng pangulo ang mga establisyimento na nagtatapon ng basura sa Manila Bay na ipasasara niya ang mga ito.
Inatasan din ng Pangulo ang mga establisyimento sa paligid ng Manila Bay kasama na ang mga hotel na maglagay ng kani kanilang waste treatment facilities.
Una nang inaprubahan ng pangulo ang 47 bilyong pisong pondo na gagamitin sa rehabilitasyon ng manila bay na gusto nitong makumpleto sa loob ng natitira pa niyang termino.
Ulat ni Vic Somintac