Mga estudyante, naglakad at tumambling sa ibabaw ng tubig
Ang mga estudyante ng Engineering sa Lamar University sa Beaumont, Texas ay gumawa ng isang class project, para i-demonstrate ang mga properties ng non-newtonian fluids, na kayang baguhin ang kaniyang viscocity, o ang flow of behavior under stress.
Upang magkaroon ng ilusyon ng paglakad sa tubig, pinaghalo nila ang two-parts ng cornstarch sa one- part ng tubig.
Ang resulta, kapag lumakad o tumalon sa ibabaw nito ay para itong nagiging solid dahil sa application ng sudden force, pero kung hindi ka gagalaw ay aapaw ito sa katawan mo na gaya ng karaniwang tubig.
Kaya para manatiling nakalutang, kailangang tuloy-tuloy ang pag-a-apply ng high force gaya ng pagtalon o paglakad.
==============