Mga estudyante , wala umanong gaanong natutunan sa 2 years na online class
Dapat maging bahagi ng educational system ang tamang paggamit ng teknolohiya.
Sinabi ni Senador Nancy Binay, sa panahon ng pandemya ang paggamit ng teknolohiya ang namayagpag lalo na sa mayayamang bansa at masyado nang napag- iwanan ang Pilipinas.
Nauuwaan naman raw ni Binay ang sentimyento ng ilang mga magulang at pribadong eskwelahan na dapat magkaroon pa rin ng opsyon para sa hybrid mode of learning.
May mga magulang raw kasing nag – aalangan pa na baka mahawa sa virus ang kanilang mga anak lalo na sa mga eskwelahang maliit lamang ang kapasidad at hindi kayang magpatupad ng physical distancing.
Pagtiyak naman ni Vice president Sara Duterte, nirerepaso na nila ang school curriculum kasama na ang k to 12 program.
Mayroon na aniya silang Comprehensive Development plan kung saan ang isang target ay makapagbigay ng de kalidad na edukasyon sa mga kabataan.
Meanne Corvera