Mga estudyanteng mula Marawi maaaring pumasok sa kahit anong public school ayon sa DepEd

Nanawagan ang Department of Education sa mga magulang na mula sa Marawi nai-enroll ang kanilang mga anak sa public schools kung saan sila naninirahan pansamantala.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones binigyan na niya ng kautusan ang mga school official na i-accommodate ang mga studyante na mula sa Marawi kahit wala silang sapat na requirements.

Sinabi pa ni Briones na nasa mahigit na 1,391 na estudyante mula sa Marawi ang nagenroll sa iba’t ibang paaralan at ang iba ay sa mga probinsiya ng Luzon.

Pinapayagan din  ng DepEd ang mga late enrollees dahil na rin sa digmaan na nangyayari sa Marawi.

Ayon kay ARMM Gov. Mujiv Hataman ang Regional government ay nagpaplano ng mobile learning center sa mga evacuation site para masigurado na walang estudyante ang hindi makakapag-aral.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *