Mga Filipino, hinimok na tangkilikin ang mga local meat products upang makaiwas sa African swine fever

Kabilang ang Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) sa mga nananawagan na sunugin ang umano’y mahigit isang milyong kilong mga pork products na nakapasok sa bansa galing Belgium na may outbreak ng African swine fever (ASF).

Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni AGAP partylist Representative Nicanor Briones at Vice- President ng Pork Producers Federation of the Philippines, Inc. (Propork), ito ang solusyon upang makatiyak na 100 porsyentong hindi makakalusot sa bansa ang nasabing sakit.

Aniya, bagamat nakapasok sa bansa ang nasabing mga pork products noong nakaraang taon na wala pang outbreak ng ASF, delikado pa rin ito para sa kanilang mga alagang hayop.

Malalagay din aniya sa panganib ang pork industry sa bansa lalu na’t wala pang gamot para dito.

Kasabay nito, iminungkahi ni Briones na dapat tangkilikin na lamang ng mga Pinoy ang mga local meat products.

Kung ako ang Secertary of Agriculture ay ipapasunog ko ang mga baboy na yan para masigurong walang makakapasok na virus. Ang magagawa natin dyan ay tangkilikin na lang nating mga Filipino ang mga lokal na produksyon ng baboy, wag na lang munang bumili ng imported”.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *