Mga gabay para sa mga batang malnourished, pinalalakas ng DOH

 

Karaniwang mga payat na payat, buto at balat , ang mga batang dumaranas ng  moderate acute malnourished at severe acute malnourished.

Ayon sa Department of Health o DOH, nakamamatay ang malnutrisyon kung hindi ito  masosolusyunan.

Magkagayunman, nililinaw ng DOH na mahirap pagbatayan ang pisikal na pangangatawan ng isang bata kung siya ay malnourished o hindi.

Kaugnay nito, matatandaan na naglabas ang DOH ng National guidelines for the Management of Moderate acute malnutrition.

Magkatuwang ang DOH at ang World food programme sa  paglikha ng naturang guidelines.

Samantala,  sa pinakahuling National Nutrition urvey ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI,  nasa isang milyon ang bilang ng mga batang may Acute Malnutrition base.

Ayon sa  isang Nutiritionist Dietician, hindi naman kinakailangang mahal ang mga pagkain at dapat lang na tama at balanse ito.

Payo ng Nutritionist mula sa FNRI, sikaping mapakain ang bata ng mayaman sa protina tulad ng itlog, gatas, isda, karne.

Bukod dito, kailangan din ng mayaman sa carbohydrates tulad ng kanin, tinapay, root crops gaya ng kamote, patatas at hindi dapat na mawala sa hapag kainan ang gulay at prutas.

Para naman sa mga nanay, mahalaga ang  exclusive breastfeeding hanggang anim na buwan ng bata.

Dagdag  naman ng DOH, ugaliin din  ang pagpapasuri sa mga Health center para mas malaman ang ilan pang pangangailangan ng isang bata.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *