Mga Government employees, makatatanggap ng mas malaking bonus ngayong taon

Simula ngayong araw, makakatanggap na ng mas malaking mid-year bonus ang mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Senador Sonny Angara, Chairman ng Ways and Means committee, batay sa Republic Act 10963 o Train Law, libre na sa buwis ang bonus at mga incentives na aabot sa 90,000 pesos.

Magandang balita aniya ito dahil may magagamit ang may isa punto limang milyong empleyado ng gobyerno sa enrollment period at iba pang gastusin sa pag aaral ng kanilang mga anak.

Batay sa inilabas na Executive Order No. 201, ang mga makakatanggap ng 14th month pay na katumbas ng isang buwang sweldo ang mga government employees.

Sakop nito ang mga empleyado na nakapagsilbi na ng minimum na apat na buwan o mula july noong 2017 hanggang may 15 ngayong taon.

“Magandang balita ito para sa ating government employees lalung-lalo na sa mga magulang na naghahanda ngayon para sa enrollment ng kanilang mga anak. Malaking bagay ito na makatutulong sa pagtustos sa pag-aaral at iba pang gastusin ng pamilya”.

 

Ulat ni Meanne Corvera 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *