Mga guro dapat tiyaking secured ang mga social media platform na gagamitin sa pagbibigay ng assignment sa kanilang mga estudyante – DICT
Maliban sa dapat tiyakin ng mga guro kung magbibigay sila ng assignment sa kanilang mga estudyante gamit ang social media ay mayroong equal access.
Ayon kay Department of Information and Commnications Technology (DICT) Acting secertary Eliseo Rio, hindi kasi lahat ng mga mag-aaral ay may cellphone at kung meron mang cellphone ay hindi rin naman lahat ay may acess sa internet.
Bukod dito, sinabi pa ni Rio sa panayam ng Radyo Agila na sa bahagi ng DICT ay nais nilang tingnan ang Cyber security issue sa nasabing usapin.
Paliwanag ni Rio dapat tiyakin na secure o ligtas ang anumang gagamiting social media gaya ng group chat na viber o Facebook messenger na may mga security issues.
Nauna nang nagpahayag ang DICT na plano nilang makipag-ugnayan sa Department of Education dahil sa nasabing usapin.
“Yung mga data o private data ng mga estduyante o mga teachers baka makuha ng iba o nagbabantay dito. Warning lang na ingatan ang paggamit nito at dapat siguraduhin na kung gagawa man sila ng char group para sa klase nila ay gamitin nila yung mga secured na platform”. – DICT Acting Sec. Eliseo Rio