Mga guro sa buong bansa tatanggap ng tig-isang libong piso kaugnay ng pagdiriwang ng World teachers day
Kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers Day bukas October 5, ay nakatakdang tumanggap ng tig-isang libong piso ang mahigit 900,000 na mga pampublikong guro sa buong bansa.
Ayon kay Quezon City Congressman Marvin Rillo allocated na ng Kongreso ang 925 million pesos na pondo para sa World Teachers Day Incentive Benefit ay sa 2022 national budget.
Tiniyak ni Rillo sa mga guro na ang taunang pondo para sa nabanggit na benepisyo ay patuloy na isusulong ng Mababang Kapulungan.
Sinabi ni Rillo na ang Republic Act 10743 na nagdedeklara sa ika-5 ng Oktubre kada taon ay World Teachers Day bilang pagkilala sa mga nasa teaching profession.
Ngayong taon ang tema ng UNESCO para sa World Teachers Day ay “The transformation of education begins with teachers.”
Mismong ang UNESCO ang nagtakda sa October 5 ng bawat taon bilang World Teachers Day upang ipagdiwang ang mahalagang papel ng mga guro sa paggabay sa mga kabataan sa pamamagitan ng edukasyon.
Vic Somintac