Mga guro sa New York City, inatasang magpabakuna
NEW YORK, United States (AFP) – Nag-anunsiyo ang New York ng isang vaccine mandate para sa lahat ng publuc school staff, kasama na ang mga guro at mga prinsipal. Kaugnay ito ng dagdag na pagsisikap ng lungsod na mapigilan ang pagkalat ng Delta variant.
Sinabi ni Mayor Bill de Blasio na bawat empleyado ng departamento ng edukasyon ay dapat mabakunahan na ng kahit isang dose man lang ng isang coronavirus vaccine pagdating ng Setyembre 27.
Hanggang sa kasalukuyan, 63% pa lamang ng education staff ang nabakunahan na.
Ang direktiba ng New York ay ginawa matapos i-anunsiyo ng Los Angeles at Chicago ang sarili nilang vaccination mandate para sa mga guro.
Nais ni de Blasio na lahat ng mga estudyante ay pumasok na sa eskuwelahan sa pagsisimula ng klase sa Setyembre 13, makaraan ang pinaghalong remote at in-person schooling noong nakalipas na taon.
Requirement na ngayon sa New York ang proof of vaccination, para sa mga taong pupunta sa restaurants, gyms, at mga show.
Agence France-Presse