Mga hakbang na dapat sundan sa pagboto ngayong May 9, 2022 elections
Ngayong May 9, 2022, ang unang national at local elections sa bansa na gaganapin sa gitna ng pandemya ng Covid-19.
Narito ang mga hakbang na dapat sundan ng mga botante sa kanilang pagpunta sa polling precints para isagawa ang karapatan nilang bumoto.
Makatutulong sa isang botante na i-check ang kaniyang precinct number bago magtungo sa voting center, sa pamamagitan ng precint finder ng Commission on Elections. (See link here: https://voterverifier.comelec.gov.ph/voter_precinct)
Mahalaga rin na i-shade ng tama ang oval na nasa balota. Hindi rin dapat mag-overvote. I-shade lamang ang oval na katabi ng kandidatong nais iboto. Huwag mag-shade ng higit sa bilang na kinakailangan para sa isang partikular na posisyon, dahil ma-i-invalidate ang buong balota at ang inyong boto.
Sa pagsi-shade sa balota, gamitin lamang ang marker na galing sa Commission on Elections.
Tandaan, ang inyong boto ay mahalaga.