Mga halamang gamot, mas pinipili umanong ilunas sa sakit sa kasalukuyan – ayon sa eksperto

Popular na sa kasalukuyan ang pag-inom ng halamang gamot at iba’t-ibang supplements upang makatulong na lunasan ang isang uri ng karamdaman.

Ayon kay Dr. Rodel Olega, isang Alternative doctor, hindi lahat ng sakit sa mundo ay nalulunasan ng mga gamot na galing sa mga malalaking Pharmaceutical companies.

Kaya naman, ang marami umano sa ating mga kababayan ay halamang gamot ang ipinanglulunas.

Magugunita na naglabas  ang Department of Health ng listahan ng sampung halamang gamot na inirerekomenda upang gamitin at ilunas sa ilang uri ng karamdaman.

Kabilang dito ang yerba buena, sambong, tsaang gubat, niyog niyogan, akapulko, ulasimang bato, bawang, ampalaya, bayabas at lagundi.

Dr. Rodel Olega:

“Sa mga kababayan natin dapat ho minemaintain natin ang healthy lifestyle,  hindi ho ung sensitives drugs  maintain ho natin ung regular exercise in a day  do sun exposure frequent water intake at matulog ho ng maaga, para sa ganun ho ay magising din ng maaga, at itama ho yung tamang pagkain depende ho sa blood type natin.”

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *