Mga health experts, patuloy na nagbababala sa labis na paggamit ng Social media
Patuloy ang paalala ng mga health experts tungkol sa malabis na pagtutok sa Social Media.
Sinasabi sa mga bagong pag-aaral na tunay na nakakaapekto sa kalusugan ng tao ang pagbabad sa mga social media gaya ng Facebook.
Sa ginawang pag-aaral ng mga researchers mula sa Keck school of Medicine sa Southern California, tumataas ang body mass index ng isang taong babad sa pag-FB.
Bukod dito, iniuugnay din ang malabis na pagtutok sa social media sa Mental health, Physical health at Life Satisfaction.
Sa panig naman ni Dr. James Dy, Presidente ng Chinese General hospital, ang Social media kung gagamitin sa tama ay may maganda at mabuting maidudulot lalung-lalu na sa panig ng mga magkakaibigan.
Ulat ni Belle Surara