Mga heneral sa AFP, nais palimitahan ni DND secretary Lorenzana
Nais ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na limitahan ang general to personnel ratio sa sandatahang lakas ng bansa.
Ito’y para mabawasan rin ang napakalaking gastusin na ibinabayad ng gobyerno para sa retirement benefits at pensyon ng mga nagreretirong heneral.
Sa pagdinig ng Senado sa panukalang magtakda ng fixed term sa mga Chief of Staff at reporma sa Pension system ng Armed Forces of the Philippines.
Sinabi ni Lorenzana na sobrang dami na ng heneral sa AFP na lagpas na ratio.
Dapat raw isa lang ang heneral sa bawat isang libong populasyon ng sandatahang lakas.
Pero sa ngayon raw aabot na sa 190 ang may ranggong heneral.
Nauna nang isinilong ni Senador Richard Gordon ang Senate bill 1785 para pahabain ang termino ng AFP personnel.
Marami aniya sa kanila naitatalaga pa sa pwesto pagkatapos ng mandatory retirement na 56 years old dahil kaya pang magtrabaho sa gobyerno.
Nais rin ng Senador na mas mahaba ang kanilang termino para magawa ang mga long term at makabuluhang programa sa sa institusyon.
Meanne Corvera