Mga hindi awtorisado at hindi rehistradong online lending platforms, pinapaimbestigahan ng isang Senador

Photo: net25.com

Pinaiimbestigahan ni Senador Joel Villanueva sa Senado, ang nagkalat na hindi awtorisado at unregistered online lending platforms sa bansa na nakapambibiktima ng maraming Pinoy.

Sa Senate Resolution No. 641, ay sinabi ni Villanueva na sa pagtaas ng lending transactions sa pamamagitan ng digital platforms, ay dumarami rin ang abusadong polisiya sa pangongolekta at paniningil ng mga utang.

Dapat anyang matigil ang hindi makatao at unethical practice ng paniningil at tiyakin na mabibigyan ng proteksyon sa mga Pilipino.

Kailangang bumalangkas ng mga hakbangin para matiyak na sa mga rehistrado at awtorisadong online lending companies lamang nakikipagtransaksyon ang mga consumer, para na rin sa proteksyon sa kanilang interes at kapakanan ng nakararami.

Una nang binawi ng Securities and Exchange Commission ang Certificates of Registration ng 2,084 lending at financing companies na hindi nakakuha ng Certificates of Authority (CA), habang 39 na financing at lending companies ang kinansela ang CA dahil sa iba’t ibang paglabag.

Kabilang sa paglabag ang hindi makatarungan at napakataas na interest rates at iba pang charges, dahil sa hindi pagbabayad sa tamang oras at araw ng mga borrower.

Ilang kolektor pa ang inirereklamo dahil sa paggamit ng mga masasakit na salita sa paniningil.

Pinasisilip din ng Senador ang mga ulat na ilang lending platforms ang sangkot sa irresponsible data harvesting, na labag sa rights to privacy at safe and secure transactions.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *