Mga hindi na bumalik para sa 2nd dose ng bakuna, ipinahahanap na ng DILG
Inatasan na ng Department of Interior and Local Government ang lahat ng mga opisyal ng baranggay na hanapin ang lahat ng mga nagpabakuna laban sa COVID-19 pero hindi na bumalik para sa kanilang second dose.
Sa datos ng Department of Health aabot sa mahigit isang milyong nagpabakuna ng first dose ang hindi na nagpaturok para sa second dose.
Ayon kay DILG USEC Jonathan Malaya, may mga address at contact numbers ang mga LGU ng lahat ng mga nagpaturok ng bakuna kaya madali nilang matutukoy sino sino ang mga hindi bumalik.
Kailangan aniyang ipaunawa ng mga opisyal ang kahalagahan bakit kailangang makumpleto ang dalawang dose ng bakuna.
Tiniyak ni malaya na may sapat na suplay ng bakuna para sa kanila.
Iginiit nitong dapat makumpleto ang bakuna para makaiwas sa mas malalang epekto sakaling tamaan ng virus.
Meanne Corvera