Mga hindi palakain ng gulay, mas mababa ang IQ kaysa sa mga palakain ng gulay ayon sa pag aaral
Batay sa ginawang pag aaral sa Amerika tungkol sa pagkain ng gulay, lumabas na ang mga taong palakain ng gulay ay mas mataas ang intelligence quotient kaysa sa mga taong hindi palakain ng anumang gulay.
Batay sa nalathala sa isang sikat na magazine mula sa ginawang pagaaral ng mga eksperto, ang mga batang kumakain ng gulay ay may IQ average na 116 samantalang 99 average IQ lamang ang mga batang mas mahilig kumain ng karne kaysa gulay.
Kaya dito sa Pilipinas, binibigyang diin ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI na mahalagang sa hapag kainan ay mayroong inihahaing anumang uri ng gulay, halimbawa berde at madadahon, mga hiblang gulay at iba pa, upang sa gayon, ay makakain ang bata sa ikapagkakaroon ng mataas na intelligence quotient.
Ulat ni: Anabelle Surara