Mga hindi sisipot sa itinakdang schedule ng bakuna sa Navotas ilalagay sa blacklist
Nagbanta si Navotas Mayor Toby Tiangco na ilalagay sa blacklist ang mga residente na hindi darating sa nakatakdang schedule ng kanilang bakuna.
Nadismaya ang alkalde matapos iulat ng city health office na aabot sa limandaang naka schedule na bakunahan ang hindi sumipot.
Ayon sa alkalde, marami ang nais magpabakuna pero sinasayang ng ilang residente ang kanilang tiyansa para sa libreng bakuna laban sa COVID-19.
Dahil dito simula bukas ang mga hindi sisipot ilalagay na sa blacklist.
Papayagan naman silang muling magpa schedule ng pagpapabakuna pero sila na ang last priority o kapag tapos nang bakunahan ang buong populasyon ng Navotas.
Sa ngayon aabot na sa mahigit 119 thousand ang nabigyan ng first dose habang mahigit 85 thousand ang second dose o katumbas ng 70 percent ng populasyon ng Navotas.
Hanggang noong lunes ang Navotas ay nakapagtala ng 975 na aktibong bagong kaso ng COVID- 19 kung saan 395 na ang naitalang namatay.
Meanne Corvera