Mga hinihinalang recruit ng Maute group, dumalo sa preliminary investigation sa DOJ
Dumalo sa pagdinig ng DOJ para maghain ng kanilang kontra-salaysay ang limamput- siyam na hinihinalang recruit ng Maute group na naaresto sa Zamboanga noong Hulyo .
Sila ay nahaharap sa reklamong rebelyon na paglabag sa ilalim ng Article 134 ng Revised Penal Code na inihain ng AFP Western Mindanao Command.
Nagpakilala ang mga ito na mga miyembro ngMNLF at patungo sana sa Camp Jabal Nur sa Lanao del Sur para sumailalim sa training.
32 sa mga ito ay naaresto ng militar sa checkpoint sa Ipil, Zamboanga del Sur habang ang 27 na kinabibilangan ng apat na menor de edad ay nadakip sa isang bahay sa Guiwan, Zamboanga City.
Nakumpiska mula sa kanila ang mga uniporme ng militar at pulisya.
Inaresto sila dahil sa mga kahina-hinalang kilos at sinasabing planong pumasok ng Marawi bilang bahagi ng reinforcement sa natitirang miyembro ng Maute.
Ayon sa militar, nagprisinta ang mga suspek ng ID mula sa Moro National Liberation Front, pero naglabas ng sertipikasyon ang MNLF at itinanggi na myembro nila ang mga nadakip.
Ulat ni: Moira Encina