Mga holiday gatherings at iba pang non- essential assemblies sa lahat ng government offices at pribadong establisyimento, bawal sa Laguna

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasagawa ng mga holiday parties sa lahat ng opisina ng gobyerno at mga pribadong establisyimento sa buong Laguna bilang pag-iingat sa COVID-19.

Sa dalawang-pahinang executive order na pirmado ni Laguna Governor Ramil Hernandez, ipinag-utos ang pagbabawal sa mga holiday gatherings at iba pang non-essential assemblies mula December 1, 2020 hanggang January 5, 2021 sa lahat ng mga pampubliko at pribadong tanggapan at negosyo sa lalawigan.

Layon nito na maiwasan ang pagkalat ng COVID sa mga lugar ng trabaho sa Laguna.

Kaugnay nito, inatasan ang lahat ng lokal na pamahalaan na magsagawa ng proper monitoring para matiyak na nakasusunod ang lahat ng tanggapan ng gobyerno at mga pribadong korporasyon.

Ipinagutos din sa lahat ng opisina ng pamahalaan at private businesses na patuloy na ipatupad at iobserba ang minimum health standards habang nasa ilalim pa rin ng MGCQ ang Laguna dahil sa COVID.

Moira Encina

Please follow and like us: