Mga Hypertensive, maaaring bakunahan kontra Covid-19
Sinusuportahan ng Philippine Heart Association (PHA) at Philippine Society of Hypertension (PSH) ang National Immunization Program for COVID 19.
Maaari pa ring magpabakuna kontra Covid-19 ang isang taong may mataas na blood pressure.
Sa Joint Statements ng PHA at PSH, may mga reports na pansamantalang pagtaas ng blood pressure sa panahon ng pagbabakuna, ngunit, hanggang sa kasalukuyan wala itong direktang kaugnayan sa kahit na anong Covid-19 vaccines.
Ayon pa sa mga eksperto, ang pagtaas ng blood pressure ay maaaring dahil sa pananakit ng bahaging tinutukan ng karayom, anxiety, environmental factors o kaya naman ay dahil na rin sa pre-existing diagnosed o uncontrolled hypertension.
Binigyang-diin ng PHA at PSH na ang Hypertension ay hindi dahilan upang hindi mabakunahan ang isang Hypertensive, manapa, ang panganib sa bakuna ay mas nalalamangan ng benepisyong idudulot nito sa magpapabakuna kabilang na dito ang pagbaba ng panganib na madapuan ng matinding Covid-19 infection at pagdami ng namamatay.
Belle Surara