Mga incoming DOJ at DILG secretaries, pinulong ukol sa Justice Sector Coordinating Council
Nakaharap na ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang mga paparating na kalihim ng DOJ at DILG.
Kasama ni Gesmundo sa pagpupulong sina outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra at Interior Secretary Eduardo Año.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, tinalakay ng mga nabanggit na opisyal kina incoming Justice Secretary Crispin Remulla at Interior Secretary Benhur Abalos ang ukol sa Justice Sector Coordinating Council (JSCC).
Ang JSCC ay binubuo ng Korte Suprema, DOJ, at DILG.
Layon nito na palakasin ang koordinasyon ng mga nasa sektor sa justice system.
Hangad din nito na ang lahat ng institusyon na may kinalaman sa paggawad ng katarungan ay nagkakaisa sa pakay nito na mabilis at patas na hustisya.
Inorganisa ang JSCC para magsilbing joint forum sa dayalogo sa mga mekanismo para sa epektibong koordinasyon at information sharing at implementasyon ng mga joint initiatives.
Moira Encina