Mga indigenous people na pakalat-kalat sa Metro Manila sa panahon ng Ber month kukunin ng DSWD
Personal na kinausap ni Department of Social Welfare and Development o DSWD secretary Rex Gatchalian ang mga miyembro ng inter agency council against trafficking upang kunin ang kanilang tulong sa pagpapatupad ng oplan pag-aabot program ng ahensiya.
Sinabi ni secretary Gatchalian na ang oplan pag-aabot program ng DSWD ay naglalayon na tulungan ang mga pakalat-kalat sa mga kalsada na walang tirahan at kalimitang namamalimos.
Ayon sa kalihim ang mga pakalat-kalat sa kalsada ay tutulungan ng gobyerno na ibalik sa mga pinanggalingang probinsiya na may kasamang pangkabuhayan package at ang mga walang mauuwian na bahay o probinsiya ay ilalagay sa mga shelters na pag-aari ng DSWD.
Inihayag ni Gatchalian na ang mga indigenous people na dumadayo sa Metro Manila tuwing Ber month ay kukunin din ng DSWD at ibalik sa kanilang pinanggalingan upang mailayo ang mga ito sa kamay ng mga sindikato at mga human traffickers na kalimitan ay ginagamit para mamalimos sa mga pampublikong lugar.
Vic Somintac