Mga iniimbestigahang nasa listahan ng 4P’s uncooperative – DSWD
Inamin ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na nahihirapan sila sa isinasagawang beripikasyon sa mga pangalan na nasa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na dapat ng alisin.
Sinabi ni DSWD Spokesman Assistant Secretary Romel Lopez nasa mahigit anim na raang libong 4Ps beneficiaries na under validation ang uncooperative at ayaw magbigay ng detalye.
Ayon kay Lopez kailangang malinis ang listahan ng 4Ps alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maalis na ang mga hindi kuwalipikado na patuloy na tumatanggap ng ayuda at maipasok ang mga kuwalipikadong benepisaryo na nasa waiting list.
Naunanng Inihayag ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na magbibigay ang DSWD ng isang libong pisong pabuya sa sinumang makapagbibigay ng beripikadong impormasyon sa mga hindi kuwalipikadong benepisaryo na patuloy na nakakatanggap ng ayuda mula sa 4Ps.
Vic Somintac